Mahal kita Tol

Hello Caris! Gusto ko lang po sana ipagsigawan sa website niyo ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang utoy. Alam ko mawiwirduhan kayo sa aking mga pahayag tungkol sa aking pagkatao lalo na sa pagtingin ko sa aking bestfriend.

Simula pagkabata magkaibigan na po kami ni utol.  Di ko siguro mabilang yung mga masasaya at masasakit naming experience. Hindi din mawala-wala yung saya ng pagsasamahan namin bilang mag-utol.  Para nga kaming ilog at dagat na hindi mo pwedeng paghiwalayin. Kakaiba yung friendship namin kasi sa lugar namin kami yung mga matipuno at kilala bilang siga ng daan. Ang dami na nga naming binugbog sa lugar namin kaya ang tawag ng mga taga-doon sa amin sa amin ay “Mga Kilabot ng Sta. Ana”. Maniwala po kayo o sa hindi pero ganun po talaga.

Halos lahat ata ng mga gusto namin pareho kami. Mahilig kami sa basketball, maglaro ng video-games, magsolve ng mga puzzles at marami pang iba. Ganunpaman, merong isang bagay lang ang hindi kami magkapareho. Mahal niya ako bilang kaibigan, mahal ko siya bilang higit pa sa kaibigan.

Ewan ko ba kung bakit kay utol pa ako nainlove. Ang dami namang ibang lalaki na pwede kong mahalin pero bakit siya pa? Buti na nga lang hindi napapansin ni utol na may kakaiba sakin simula pagkabata palang. Dinadama ko kasi yung mga moment na nagkakashake hands kami, magkatabi kami at lalo na pag nagyayakapan kami pag nananalo kami sa liga.

May moment pa nga kami nung naisipan naming pumunta sa isang bar para gumimik. Libangan kasi namin na kumanta sa karaoke. Yung favorite ko nga kantahin dun ay yung “Paano na kaya” ni Bugoy. Syempre yung kaibigan ko very supportive yan sakin. Parang sira-ulo yan sa kakahiyaw pag ako na ang kumakanta. Pero ang hindi niya alam na sa bawat lyrics na isinasambit ko ay para sa kanya. Mahilig nga magtanong yun about sa lovelife ko pag nalalasing siya;

Utol: “Utoy (tawag niya sakin), pakilala mo naman sakin yang bebeloves mo!”
Utoy: Naku tol hindi pwede. Secret lang to pre wag kang ano.
*tapos biglang magbibiro si utol*
Utol: Baka ako yan ha.. Uupakan talaga kita
Utoy: Eh paano nga kung ikaw? Edi suntukan na to pre!? (tawa ng malakas)
Utol: Gago ka toy kadiri ka. Hampasin kita ng bote! (sabay tawa)
Utoy:  Gago ka din ano.. Naniwala ka naman pre!

Oh diba. Super awkward talaga ng conversation namin ni utol. Di ko nga alam kung naniniwala yun sa kasabihan na “Jokes are half meant” napakabobo talaga yung inutil na yun.

Halos anim na taon ko naring itinatago ang nararamdaman ko sa aking utol. Masakit at mahirap para sa aking part pero kailangan. Hindi naman ako pwede umamin kasi, for sure, masisira ang friendship namin. At isa pa galit na galit to sa mga tulad naming bakla, Kaya natatakot ako aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Kaya ang ginagawa ko nalang po ay tinitibayan ko ang aking pagtayo bilang utol niya at kasangga sa mga trip niya. Ganun ko kamahal ang utol ko. Mas pipiliin ko pang  magpanggap at magtiis kaysa naman sa mawalan ako ng isang kaibigan na naging parte ng buhay ko. Higit pa sa buhay ko.                             

Mahal na mahal kita tol.

– Utoy

Photo Credits: ssufacultynews.org

Advertisements

Ang Labong Love ni Mama

Hello po Caris,

Share ko lang po sana experience ko sa “ANG LABONG LOVE” ni mama.. Love ko po ang mama ko at blessed naman po ako sa kanya. Siya ay responsable at mabait din naman po siya. Isang OFW po ang papa ko na siyang tumataguyod saming magkakapatid — lima po kami, apat yung babae, at ako po yung nag-iisang bunsong lalaki.

Kaya nasabi ko po na “ANG LABONG LOVE” ni mama kasi minsan., hindi ko po siya maintindihan pag pinapagalitan ako. Hindi na nga lang ako umiimik pag nagsesermon na siya na halos halos abutin na nga ng isang oras. Nakakalito po pag tinatanong niya ako ng pagalit.. “SUMAGOT KA, KINAKAUSAP KITA!” tapos syempre sasagot naman ako kasi tinatanong nga ako.. “MA , hindi naman po kasi…” tapos bigla nalang akong papaluin ng panghampas (weapon of choice kadalasan ni mama ay ang lumang walis sa bahay) sabay sabi “ABA’Y SUMASAGOT-SAGOT KA NG BATA KA” napakalabo talaga ng aking nanay.

May isang pangyayari nga po na inabot ako ng gabi dahil sa aking kakaresearch sa computer shop kasama ang mga classmate ko para sa group project namin. Dahil sa sobrang focus ko na matapos yung ginagawa namin, hindi ko po namalayan na alas nuebe na pala ng gabi. Nang aking chineck yung cp ko, nakita ko nalang na merong 20 missed calls ng mama ko. Binalot ng nerbyos at taranta ang aking buong katawan na halos maging dahilan para akoy mahimatay sa sobrang takot. Kasi kahit 18 na po ako, parang elementary parin yung trato sakin ng mama ko.

Ito po nangyari nung nakauwi na ako. Patay na po yung mga ilaw sa bahay nung dumating ako. Nagmukha akong magnanakaw sa sarili kong bahay sa kakayoko at kakatago kay mama nang biglang bumukas nalang ilaw sabay tama sakin ng lumilipad na tsinelas na galing sa aking magaling kong ina at biglang pasigaw na nagtanong, “AT BAKIT NGAYON KA LANG?” kinakaladkad ako na parang baboy papuntang kusina “PAANO KUNG NAPAG TRIPAN KA SA LABAS? Sabay kurot sa bewang “PAANO KUNG BINUGBOG KA LABAS NG MGA ADIK?” sabay palo sa paa ko, gamit yung pares ng tsinelas na binato niya sakin “PAANO KUNG SINAKTAN KA NILA? at  bigla nalang siyang tatahimik at palambing na magtatanong.. “Kumain ka na ba? May kanin pa dun sa mesa at may manok pa sa ref” Haaaayyy naku ! Ang labo talaga ni mama, ayaw niyang nasasaktan ako pero siya naman palo ng palo sakin. Pero kahit na ganun, siya parin ang pinakamalambing na mama ko sa buong mundo. I’m sorry ma kung di kita minsan maintindihan at sa pagiging pasaway ko, pero mahal po kita. At ito po ang experience ko sa “ANG LABONG LOVE” ni mama.

Submitted by: Bibi boy 
Arranged by: Emmanuel Pesado