Mahal kita Tol

Hello Caris! Gusto ko lang po sana ipagsigawan sa website niyo ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang utoy. Alam ko mawiwirduhan kayo sa aking mga pahayag tungkol sa aking pagkatao lalo na sa pagtingin ko sa aking bestfriend.

Simula pagkabata magkaibigan na po kami ni utol.  Di ko siguro mabilang yung mga masasaya at masasakit naming experience. Hindi din mawala-wala yung saya ng pagsasamahan namin bilang mag-utol.  Para nga kaming ilog at dagat na hindi mo pwedeng paghiwalayin. Kakaiba yung friendship namin kasi sa lugar namin kami yung mga matipuno at kilala bilang siga ng daan. Ang dami na nga naming binugbog sa lugar namin kaya ang tawag ng mga taga-doon sa amin sa amin ay “Mga Kilabot ng Sta. Ana”. Maniwala po kayo o sa hindi pero ganun po talaga.

Halos lahat ata ng mga gusto namin pareho kami. Mahilig kami sa basketball, maglaro ng video-games, magsolve ng mga puzzles at marami pang iba. Ganunpaman, merong isang bagay lang ang hindi kami magkapareho. Mahal niya ako bilang kaibigan, mahal ko siya bilang higit pa sa kaibigan.

Ewan ko ba kung bakit kay utol pa ako nainlove. Ang dami namang ibang lalaki na pwede kong mahalin pero bakit siya pa? Buti na nga lang hindi napapansin ni utol na may kakaiba sakin simula pagkabata palang. Dinadama ko kasi yung mga moment na nagkakashake hands kami, magkatabi kami at lalo na pag nagyayakapan kami pag nananalo kami sa liga.

May moment pa nga kami nung naisipan naming pumunta sa isang bar para gumimik. Libangan kasi namin na kumanta sa karaoke. Yung favorite ko nga kantahin dun ay yung “Paano na kaya” ni Bugoy. Syempre yung kaibigan ko very supportive yan sakin. Parang sira-ulo yan sa kakahiyaw pag ako na ang kumakanta. Pero ang hindi niya alam na sa bawat lyrics na isinasambit ko ay para sa kanya. Mahilig nga magtanong yun about sa lovelife ko pag nalalasing siya;

Utol: “Utoy (tawag niya sakin), pakilala mo naman sakin yang bebeloves mo!”
Utoy: Naku tol hindi pwede. Secret lang to pre wag kang ano.
*tapos biglang magbibiro si utol*
Utol: Baka ako yan ha.. Uupakan talaga kita
Utoy: Eh paano nga kung ikaw? Edi suntukan na to pre!? (tawa ng malakas)
Utol: Gago ka toy kadiri ka. Hampasin kita ng bote! (sabay tawa)
Utoy:  Gago ka din ano.. Naniwala ka naman pre!

Oh diba. Super awkward talaga ng conversation namin ni utol. Di ko nga alam kung naniniwala yun sa kasabihan na “Jokes are half meant” napakabobo talaga yung inutil na yun.

Halos anim na taon ko naring itinatago ang nararamdaman ko sa aking utol. Masakit at mahirap para sa aking part pero kailangan. Hindi naman ako pwede umamin kasi, for sure, masisira ang friendship namin. At isa pa galit na galit to sa mga tulad naming bakla, Kaya natatakot ako aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Kaya ang ginagawa ko nalang po ay tinitibayan ko ang aking pagtayo bilang utol niya at kasangga sa mga trip niya. Ganun ko kamahal ang utol ko. Mas pipiliin ko pang  magpanggap at magtiis kaysa naman sa mawalan ako ng isang kaibigan na naging parte ng buhay ko. Higit pa sa buhay ko.                             

Mahal na mahal kita tol.

– Utoy

Photo Credits: ssufacultynews.org

Advertisements

1 Message Received

Alas-onse y meja na ng gabi. Rinig na rinig ko ang tunog ng bawat butil ng ulan sa bubungan na parang martilyo ng mga karpintero habang pumupukpok ng pako sa katabing bahay. Medyo inaantok na rin ako dala ng sunud-sunod na pagpupuyat dahil patapos na ang sem. Maya-maya’y naisipan kong makinig sa aking playlist para hindi makatulog. Di nagtagal ay tinamad na talaga ako, kaya nama’y unti-unti kong tinangkang isara ang aking mga mata, at nang halos nag-uumpisa na akong managinip, may kung anong nag-vibrate sa bandang ulunan ko. Cellphone ko pala. Habang inaabot ko ito’y hinihiling ko na sana nagtext siya ng “good night”, kahit sa GM man lang. Ganun ako kababaw. Pero sapat na ‘yon para makatulog ako ng mahimbing.

Mag-aapat na buwan na rin mula nang inamin ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi kung maganda ba ang resulta ng ginawa ko. Hindi ko alam kung napalapit ba ako sa kanya o lalong napalayo. Pero kuntento na ako kung ano kami ngayon.

Mga dalawang linggo pagkatapos ng “aking pag-amin”, hiningi ko yung cellphone number niya. Pakapalan na ’yon ng mukha. Desperado na akong mas lalo siyang makilala. Siya nga pala, siya ang bestfriend ng close friend ko. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kanya, pero kung ibabalik yung unang pagkakataon na nakilala ko siya, sasabihin kong siguro, mapang-akit lang talaga yung kakaiba niyang mga mata. Sabi pa ni Bruno Mars, “Her eyes, her eyes, make the stars look like they’re not shining”.

Alam niyo ba iyong hindi niyo alam na ‘yun na pala ‘yon? Siya kasi yung first crush ko sa college. At isang taon muna ang lumipas bago ko marealize na gusto ko pala talaga siya. Malas nalang niya, siya ang nakita ko. Over-reacting kasi akong tao. Masyadong madrama. Pero ang nakakatuwa doon, sa tuwing magdadrama ako, napipigilan niya. Nagmumukha tuloy akong sunud-sunuran na parang aso. Pero okay na rin. At least hindi ako nagiging malungkot.

Sa sobrang bait ko sa kanya, idinadownload ko siya ng mga movie minsan kapag may internet ako. Pagkatapos nun magmimeet kami para magpacopy. May time noon na hinintay ko siyang matapos yung klase nila. Mga ilang oras din ang nagdaan, habang naka-indian sit sa hallway, nakita ko siyang kasama yung isa niyang kaibigan na naglalakad papalapit. Grabe ang bilis ng kalabog ng dibdib ko nung mga oras na yun. Pero bigla nalang bumalik sa normal nung makita kong nilagpasan nila ako. Akala ko pupuntahan niya ako. Idinaan ko nalang sa pagpefacebook ang pagkabroken-hearted ko. Halos tutok na tutok ang mukha ko sa screen ng laptop ko, nang biglang may parang familiar na figure ng papalapit sa akin ang nagpatigil sa tibok ng puso ko; lumingon ako at nakita ko siya. Bumalik siya para sa’kin. Sa sobrang taranta, lumingon ako sa likuran para siguraduhing ako nga ang hinahanap niya. Ang awkward talaga.

“Steve, pacopy ako ng movies..”. Narinig ko siya pero hindi ako tumitingin. Hindi ko kaya. Ni hindi ko kayang mag-utter ng kahit anong salita. Isinalaksak ko yung flashdrive para magcopy ng file, sinafely remove, tapos diretsong ibinigay sa kanya. Aalis na sana siya nang mukhang tanga akong nagtanong, “Uuwi ka na?”. “Yeah, uuwi na ako. Salamat.” “Sige” – yan lang ang tanging nasabi ko. Kahit na sa utak ko, “HINTAYIN MO AKO. IHAHATID NA KITA.”. Napaka-slow ko na, ang weak pa. Hinintay ko siyang makalayo ng konti at dali-dali akong nag-ayos para masundan siya. Pero paglabas ko ng gate, wala na siya. Malayo na.

Sa loob ng apat na buwan marami-rami na rin ang mga nangyari. Doon ko rin napagtanto na mataas talaga ang self-confidence niya. Palagi niyang sinasabing cute siya. At nung tinanong ko kung bakit para mapatunayan niya, speechless ako nung sinabi na niyang, “kasi crush mo ako :P”. Simula noon palagi ko na siyang kinukulit tungkol diyan. Hanggang sa umabot sa “Ang ganda ng moon. Parang ikaw lang.”. Ang corny corny talaga pakinggan pero para sa akin, masaya na ako.

Di ko malilimutan yung moment na nakita ko siya kung paano matakot sa mga nakakatakot na bagay na para sa akin, hindi naman talaga. Tuwang-tuwa ako habang tinatakpan niya ang mga tenga niya para di niya marinig yung sounds. Hindi ako sigurado kung ako nga ba ang dahilan pero may gabi noon na tinatakot ko siya sa text, at hindi na siya nakatulog nang dahil doon.

Naabot ko rin ang cellphone ko na kanina ko pang kinakapa nang nakapikit. Medyo nayamot ako nang malaman kong hindi siya ang nagtext pero yung close friend ko. Sa hindi kapanipaniwalang pagkakataon, bigla akong nawalan ng hininga nang mabasa ko yung text niya: “Steve, patay na si Jenny. Sinaksak ng holdaper habang pauwi. Andito kami ngayon sa morgue ng St. Paul’s. Baka gusto mong pumunta. Textback please..”.

Patay na si Jenny. Patay na yung kaisa-isang taong kinahuhumalingan ko. Wala na. Dahil sa kapusukan ng aking pagkatao, at dahil na rin sa ito ang henerasyon kung saan ang crush ay parang love na rin, dali-dali kong kinuha ang matalim kong cutter sa aking cabinet, at hindi nagdalawang isip na laslasin ang pulso sa aking leeg. Alam ko kasing sigurado ang pagkamatay kung ganoon.

Alas-dose ng hatinggabi. Tumila na ang ulan. Pero dinig ko ang pagpatak ng aking dugo sa sahig.

Isinulat ni: Philip Gaje
Photo Credit: shemazing.net